Tuesday, September 8, 2009

Naging Driver ako ng seminaryo, Im very proud

Naalala ko ng nagtuturo ako sa minor seminary ay Spiritual Director pa rin ako, iniisip ko ang awa, naawa ako sa mga seminarista na sa murang edad ay nawalay agad sa magulang, gusto ko sana linggo linggo umuuwi sila para lahat ng mahahalagang pangyayari sa pamilya ay naroon ang mga bata. Sapagkat na assign ako nuon sa dekada 90 hanggang 2003 ay di lingid sa karamihan na moderno na ang buhay, generation xyz na ang mga pumasok at dapat ay makabagong estilo ng paghubog ang kailangan para mapalitaw sa mga nagpapari na dapat maging mabuting bata at mabuting Kristiyano. Dahil bata nga ay malayo pa ang kaisipan sa pagpapari.
Sa ganitong kalagayan ay sinikap ko na imulat sa mga seminarista ang kahalagahan ng pag-aaral at kababaang -loob at magkaroon ng magandang ambisyon, at hindi pagpapari lang ang pwedeng piliin.
Bilang dating formator Mahirap din mag budget kaya sa pagtitipid ay ayaw ko rin na magastusan pa ang mga seminarista, pag nag re retreat sa Tagaytay ay ako ang kumakausap sa mga retreat houses at naghahanap ng retreat master. Minsan nanghihiram ng sasakyan para biyahe ng mga bata ay libre na, namulat ako sa pagtitipid, halos marami din akong nabuhos sa sariling bulsa subalit ako ay masaya. Mahirap din kasi ang budget at naalala ko yun madre procurator pag araw ng Lunes at pagkatapos ng Misa ay driver ako sinusundo ko sila sa Balagtas sa pamamalengke at habang hinihintay ko silang matapos nakakausap ko ang mga ordinaryong tao at mga nagtitinda, minsan walang driver ay pinag drive ko ang mga seminarista sa MALOLOS CATHEDRAL.
May kasabihan sa wikang banyaga na "UNGRATEFUL" OR SA ESPANOL "INGRATO" na ang kahulugan pag may ginawa ka huwag ka nang mag isip na mapapasalamatan ka or mapapansin ka, may sinabi si Hesus tungkol dito: " sabihin mo sa iyong panginoon pag natapos mo na ang iyong ginawa ay ikaw ay isang alipin lamang na walang kabuluhan." ( we are just useless servants). Naisip ko ay ako ay naging ganun pero I'm proud of it, pagka maneho ko ay inom lang ng kape at magturo na agad ako sa klase. Minsan pagkagaling namin ni sister sa balagtas ay nagdaan pa kami sa Bethany at saka dumiretso sa seminaryo at sa compound ay nadaanan ko ang isang pari sa kabila na nag me meditate isang bati ang aking ibinigay.
Nang papaalis na ako ng minor at nangibang bansa na alala ko ang mga pinagdaanan ko sa seminaryo ang nakadagdag ng tiwala sa akin, minsan naging driver ako ng seminaryo, I'm very proud of it, kasi ang pinag drive ko ay ang Diyos! Ito lang ang gusto ko na sabihin sa kin ng Diyos pag kaharap ko na siya, "ANO ANG NAGAWA MO SA LUPA NG BUHAY KA PA?" HINDI KO SASABIHIN SA KANYA NA ISA AKONG PARI KUNDI ISA LANG ANG SAGOT KO NAGING DRIVER AKO NG SEMINARYO, IM VERY PROUD OF IT!

MANUEL

No comments:

misyonsabuhay

May nagdadala sa ating buhay, pwedeng sarili natin o kaya ibang tao o mga pangyayari. . . paikot ikot lang, subalit ang Dios ang nagdadala lahat lahat dahil isinilang tayong may MISYONSABUHAY na galing sa Kanya