Lagi kong naalala ang aking dating Rektor si Monsignor Fer.
Isang magandang ala-ala ang iniwan sa kin ng ako'y pumasok sa seminaryo. Natatandaan ko ng ako ay interbiyuhin ni Monsignor Gutierrez. Mahusay siyang nagtanong sa akin at ang kanyang pagtanggap sa kin ang nag iwan ng magandang larawan sa aking bokasyon. Masasabi ko na siya ang nagbigay sa akin tubig. Sa Genezareth Cursillo house una kaming natulog at naruon din siya para sa amin. Mula Formation hanggang Theology ay nagkasama kami ni Mons Fer.
Ang karanasan na mabigyan ka ng tubig ay habang buhay mong aalalahanin. Siya rin ang Rektor ng ako ay ma ordenahan na pari at masasabi ko na isa siya sa mga hinahanggan kong pari sa Bulakan pati na ang yumaong Monsignor Moises Andrade.
Alam natin na walang taong perpekto subalit sa pagdisiplina at pagtuturo sa mga nagpapari ay hindi nagkulang si Monsignor Fer. Nakita ko sa kanya ang pagdarasal niya ng breviary, dahil ako ay beadle nuon at pag tinatawag niya ako sa kanyang kwarto ay naruon siya sa upuan at hawak ang kanyang breviary. Paalala niya lagi sa min na dapat nasa tamang oras lagi ang isang pari
Minsan ay nagtitinda ako ng ticket para sa raffle sa pagpapatayo ng Major Seminary na ng mga panahong iyon ay dumaan sa mga pagsubok a pagdududa na galing na rin sa mga kapwa pari niya. Sa totoo lang ako ay nahihiyang magtinda ng mga raffle ticket at ticket sa iba't-ibang konsiyerto para makalikom ng pondo. Subalit pinaliwanagan ni Mons Fer ang mga seminarista kung bakit kailangan namin gawin ito. Mahirap kasi ang buhay sa Pilipinas at kung parati na lang na iisang tao ang lalapitan mo ay sa tingin ko di maganda, sa Carolling tuwing magpapasko ay sumasama si Mons Fer sa amin at masaya siyang kasama, di niya kami iniiwan kahit kami napupuyat at sa tulong ni Bishop Almario ay naipatayo ang seminaryo mayor ng Diyosesis ng Malolos.
Minsan ay isinama kami ni Mons Fer sa isang lamay sa patay, nagmisa siya sa magulang ng pari na nakaburol, dito ako humanga sa kanya, sapagkat marunong siyang maki isa sa mga pari. Madalas sa kanyang mga talks sa min nuon ay palagi niyang sinasabi na kailangan mag attend kami ng rekoleksyon at mga retreat ng mga pari. Nang ako ay ma ordenahan ay inanyayahan niya ako magturo sa formation at maging SD ng pre-College. Nang siya ay umalis sa pagka Rektor ay di na kami nagkita, bumalik siya sa Amerika, nang walang anuman, sana nasabi ko sa kanya ang personal kong pasasalamat sa pagtataguyod niya ng Seminaryo Mayor ng Inmaculada Concepcion. Ngayon ay isa nang matatag na institusyon ang seminaryo mayor sa Guiguinto Bulacan para sa mga nagnanais maging diyosesanong pari. Ngayon ako ay nasa abroad na ay tinutulungan ko pa rin ang seminaryo sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa seminarista. Ayaw ko rin maranasan ng isang seminarista ngayon ang naranasan namin nuon, mahirap pagsabayin ang pag aalok ng tiket at pag-aaral sa mga asignatura ng pagpapari.
Saan man naroon si Monsignor Fer ay palagi ko siyang pinagdadasal sa aking mga Misa. Marami din siyang pinagdaanan para sa seminaryo na dapat ay kilalanin, maraming salamat po Mons Fer sa inyong pagmumulat sa buhay sa seminaryo.
No comments:
Post a Comment